REAL TALK: HIGH MUTE KEEPING?

Ano ba ang mas-importante, pagkakaroon ng “rare” or kakaibang kulay ng hamster or ang maibigay sa kanila ang tamang pag-aalaga?

Dito sa Pilipinas, uso ang pagkakaroon ng “rare color” o madalas na naririnig natin sa term na “HIGH MUTE HAMSTER (high mutation)”. Ibig sabihin, ang hamster na ito ay may dalang specific gene na may specific na hitsura o kulay na may mataas na chance na yun lang ang iproproduce neto pag ito ay binreed. Nakabase mostly ang pag-aalaga sa dami at sa pagiging kakaiba ng kulay ng isang hamster na halos hindi na nabibigyan ng tamang pag-aalaga. Kumbaga, nagkakaroon lang ng value ang isang hamster kung ito ay nabili mo ng mahal o may kakaibang kulay. Paano ba naging ganito ang sitwasyon natin pag dating sa pag-aalaga? Ito ang aking mga obserbasyon kung bakit.

  1. Rarity = High Value

Dahil madaming nasisilaw sa halaga ng mga kakaibang kulay, madami ang mga nagbabakasakaling makabenta sila ng mga rare colors na nagreresulta sa mga unethical breeding or ung pag brebreed lang dahil sa kulay. Hindi nabibigyang halaga ang iba pang dapat tuunan ng pansin tulad ng maayos na genetics, temperament or ung pagiging maamo ng isang hamster, at physical na kaanyuuan (ilong, mata, muka, body build, etc.)

  1. High Value = Maganda alagaan

Maraming nagtatanong sa akin ano ba ang id (identification) na magandang alagaan? Nakakapag taka dahil hindi naman nakakatulong ang kulay ng isang hamster sa behavior nila. Hindi porket maganda o rare ang kulay, un ung magandang alagaan. Tandaan natin na bawat species ng hamster ay maganda kung maaalagaan natin sila ng maayos. May mga specific lang silang traits pero ang mahalaga ay kaya natin silang alagaan ng maayos.

  1. Maling Perspective

If you control or condition the minds of your customer, then kikita ka.” Isa sa mga nangyayari is nagkakaroon ng pagandahan ng hamster or ung mentality na dapat maganda ung hamster mo. Yoong mga nagbebenta ng hamsters, yun ang pinapasok nilang mentality sa mga customers nila. Imbis na bigyan sila ng info kung pano ba sila dapat alagaa, idadaan sila sa “rare / maganda” mentality para mas makabenta. Isa din ito sa marketing strategy upang makapagbenta ng mga hamsters.

Ano nga ba talaga ang importante? Mag-alaga ng mamahaling hamster na umaabot ng P1500-P5000 each or ang mag alaga ng hamster na inadopt pero naibibigay natin ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi practical ang gumastos para sa ganoong kamahal na hamster at hindi natin kaya mag provide para sa needs nila. Mas practical na ibuhos na lang ung budget para bumili ng gamit, pagkain, at iba pang needs nila kesa sa hamster. Kung iisipin natin, kung mag iinvest tayo sa tamang mga gamit ng hamsters, pwede tayu mag-alaga ng matagal. Adopt lang ng hamsters dahil madaming hamsters na nangangailangan ng bahay at pagmamahal, samantala ang P1500~P5000 niyo mawawala lang sa loob ng 1.5~2 Years.

In conclusion, maging wise tayo sa mga desisyon natin sa buhay, maging practical tayong mag-isip. Hindi nagmamatter na may alaga tayong magandang hamster. What is important is ung alam nating nagthrithrive ung hamster natin under our care irregardless kung anung kulay man nila dahil bawat hamster ay special.

PS: Alam niyo ba, madaming hamsters ang pinamimigay sa mga events (20~100 pcs) and mostly dito ay mga carrier or normal colors? Dahil sa dami ng hamsters na naproproduce sa pagbreed ng mga rare colors may mga na proproduce na mga colors na hindi pure na lower value at ito ang pinamimigay sa mga newbies. Mukang okay na may namimigay ng hamsters pero kung iisipin natin, yung mga hamsters na ito lower in value, hindi sila mabebenta as high as ung mga rare na kulay. If aalagaan pa nila ito, masmagastos sa pagkain, beddings, at space kaya mas ideal na ipamigay na lang nila ito sa mga events para magmuka silang generous. In results, yung mga newbie na umaattend sa mga events na ito umuuwi na may madaming hamsters na dala, at kadalasan pair pa ang nakukuha nila. Rather than matulungan sila na maging responsible keeper, mas nagkakaroon sila ng bigger responsibility if dumami ung hamster. At the end, malaking possibility na mapabayaan sila on the long run. Ito ang realidad sa ating hamster community dito sa Pilipinas.

Blog at WordPress.com.